Chapter 41
Chapter 41
Arkisha's POV
Tulog na tulog pa si Adam nang umalis ako sa bahay. Hindi ko na siya ginising dahil mukhang pagod na pagod pa siya kagabi. Inayos ko pa ang gulo niyang buhok at hinalikan sa kaliwang pisngi bago ako lumabas ng kwarto. Tumawag kasi si Mama at sinabing ngayon na lalabas ng hospital si Papa.
Ibinilin ko kay Ian ang mga bata. Malapit na nga pala ang pasukan kaya babalik na din siya sa probinsya.
Pagdating ko sa hospital ay nakita ko sina Jane at Ella. Tinabihan ko sila sa couch matapos kong kamustahin si Papa.
"Pasensya ka na, Arkisha. Ngayon lang kami nakadalaw sa Papa mo. Naging busy kasi ako eh," sabi ni Ella. "Inaayos ko na kasi ang papers ko kasi balak akong kunin ni Tita sa Canada."
"Naiintindihan ko. Mabuti naman kung ganon. Masaya ako para sayo at magandang opportunity yan para madala mo roon ang pamilya mo," sabi ko.
"Ako naman naghahanda din kasi babalik na ulit ako sa Singapore," sabi ni Jane.
Ngumiti ako.
"Ibang klase na talaga ang mga kaibigan ko. Bigatin!"
Tumawa silang dalawa.
"Si Ate Gem kamusta kaya?" tanong ni Ella.
"Okay naman sila. Nakausap ko ang doktor ng baby niya at okay na raw ito," sagot ko.
"Eh ikaw? Kamusta ka naman?" tanong ni Jane.
"Okay na ako," sagot at hindi ko maitago ang aking ngiti.
"Nga pala, Arkisha eto yung relo na naiwan ni Adam noong natulog kayong dalawa rito," singit ni Mama. Hindi nga siya tumingin sa akin habang sinasabi niya yun. Naglilinis lang siya ng mga gamit sa lamesa. Kinukuha ang mga gamit na iuuwi na.
Agad namang bumaling sina Jane at Ella sa akin at nagbigay ng makahulugang tingin.
"May sinasabi Mama mo. Itatanong ba namin sa kanya o magkukwento ka?!" tanong ni Jane habang nakataas ang isang kilay.
"Okay, okay," sagot habang pinipigilan ko ang tawa ko. "Yes. Okay na kami ni Adam. Magkasama na ulit kami sa bahay."
Ipinulupot ni Ella ang dalawang braso niya sa katawan ko.
"Friend! Sobrang happy kami for you! You deserve to be happy and be loved. Mabuti naman pinatawad mo na si Adam."
Tumango ako.
"Pinatawad niya din ako. Malaki din ang kasalanan ko sa kanya. Dalawang taon ang sinayang naming dalawa."
"And you have the rest of your lives para punuan ang mga taong hindi kayo nagkasama."
Makalipas ang halos isang oras nagpaalam na din sina Jane at Ella. Inimbita pa nga ako ni Ella sa despedida niya. Aba ang gaga, wala pa nga atang visa eh despedida na nasa isip.
Nagpunta ako sa office matapos kong dalawin si Papa. Sinalubong kaagad ako ng secretary ko bago ako makapasok sa loob ng kwarto.
“Ma’am, nasa loob po si Mr. Chua,” sabi niya.
Tumango ako.
Ano na naman ba ang kailangan ni Nick ngayon?
Binuksan ko ang pinto at pumasok ako sa loob.
“Mr. Chua?!”
Nagulat ako. Hindi si Nick ang kaharap ko ngayon.
“So kamusta na ang Papa mo?” tanong ni Mr. Norberto Chua.
“Nakalabas na po siya ng hospital,” sagot ko. “What can I do for you, Mr. Chua?”
“If you can, would you do it?”
Hindi niya inaalis ang tingin sa mga mata ko.
“I’m sorry?”
“Careless,” bulong niya.
“I’m sorry, Mr. Chua but I don’t understand—“
“Of course you won’t. Dahil makasarili kayong mag-asawa. You only think of yourselves! Nakalabas na ang Papa mo? Good for him. Masamang damo siguro sya kaya buhay pa.”
“Mr. Chua, I’m afraid I’ll be asking you to get out of my office.”
Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. Ganun ba sila kadeperado na kalabanin kami sa negosyo? Pati buhay ng Papa ko papakialaman nila?!
“No need, Arkisha. Do you really think kaya kong tagalan na tingnan ang mukha mo? You take care, hija. You take care of yourself and your business.”
Hindi na ako nagsalita at pinanood ko lang siyang lumabas ng kwarto.
Gaano na ba kalaki ng kompetisyon ng mga kumpanya namin at ganun magsalita si Mr. Chua?
Hindi ko na nga namalayang tumatawag pala si Adam.
“Where are you?”
“Sa office. May inayos lang,” sagot ko.
“Are you okay?”
Nahalata niya ata sa boses ko ang kaba.
“Yah. I’m fine. Uuwi na din ako pagkatapos.”
“Gusto mo bang sunduin kita?”
“No. You don’t have to.”
Inalam ko kay Mr. Carbonel ang lagay ng kumpanya ng mga Chua. Ipinatawag ko siya sa opisina ko.
“Everything is fine. Maganda ang takbo ng negosyo nila same as our business. In fact, matagal na hindi nagparamdam si Mr. Chua sa atin or sa CGC so I guess busy siya sa business nila. May problema ba, Arkisha?”
Tumayo ako at nagpabalik-balik ng lakad para mag-isip.
“Wala naman but he is acting really weird.”
“Don’t worry. Aalamin kong mabuti kung ano ang totoong lagay ng kumpanya nila at irereport ko kaagad sayo.”
“Thank you Mr. Carbonel. Hindi ko alam ang gagawin ko sa Daily Routine kung wala ka.”
Matapos naming mag-usap ay umuwi na din ako.
“You look tired.”
Sinalubong kaagad ako ni Adam. Hinalikan niya ako sa pisngi.
“Adam, what do you know about Chua’s?” tanong ko sa kanya bago kami matulog.
“Babe, seriously? Pag-uusapan natin ngayon yan?” tanong niya after he unhooked my bra.
Hinarap ko siya at hinigit ko ang kumot mula sa kanya.
“Yes. I think we need to talk about it.”
Biglang naging seryoso ang mukha niya. Sumandal siya sa headboard nga kama.
“Why? What’s wrong?”
“CGC lang ang kinakalaban ng mga Chua, hindi ba?”
“As far as I know, yes.”
“Pinuntahan niya ako sa office kanina--.”
Nagsalubong ang mga kilay niya at hindi pa ako pinatapos sa pagsasalita.
“Si Nick? At talagang nilalapitan ka pa din nya ha? Kailangan ko pa bang magpa press con para malaman niya na nagkabalikan na tayong dalawa?”
Huminga ako ng malalim. He loses his temper easily when it comes to Chua, especially with Nick.
“Sinabi ko bang si Nick?”
Nagliwanag ng bahagya ang mukha niya. Idinetalye ko kay Adam ang nangyari.
“I think it’s just one way of saying na hindi sila titigil hangga’t hindi napapabagsak ang CGC.”
“Tingin mo?”
Kinabig niya ako papalapit sa kanya and he kissed my hair.
“Don’t think too much. Greedy lang talaga siya pagdating sa business at competitive pa. I don’t think he is capable of hurting anyone.”
Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
“Adam, everyone is capable of hurting anyone.”
Inilayo niya ang tingin niya sa akin and when I looked down, niyakap niya ako ng mahigpit.
“I will never ever let anyone hurt you. Not anymore. Hindi ang mga Chua o kahit na sino.”
enjoyebooks